TV Patrol

American singer Josh Groban, babalik sa Pilipinas para mag-concert ngayong buwan

ABS-CBN.com February 12, 2019 08:27 PM


Magbabalik sa Pilipinas ang world-class singer na si Josh Groban para sa isang concert kasama ang ABS-CBN Orchestra, Ateneo Choir at si Lea Salonga. Swerte raw ang turing ang sarili dahil sa suporta ng Pinoy fans.


Sumikat siya sa mga kantang “The Prayer” at “You Raise Me Up.” 2007 noong unang magtanghal sa bansa si Josh Groban. At ngayong buwan, balik-Maynila ang singer para sa isang concert.


Malaking bagay para kay Groban ang suportang binibigay ng kanyang mga Filipino fans.


The response is so huge and so passionate, that’s something that anybody in music is so lucky to have fans like the fans that I have in the Philippines. I’ve got friends there and I love getting to know city through it’s music, through it’s food, maybe we’ll do a little karaoke,” pahayag ni Groban.


Kabilang sa mga kakantahin ni Josh sa concert ang mga kantang galing sa kanyang “Bridges” album, “The song like River is really the first time I’m able to sing very freely and honestly about the darker side, battles with anxiety and depression, the moments where you really need to have the courage to take small steps to find the light. So I think in that way, this is my most personal album to date.


Sa February 22 gaganapin ang concert at special guest si Lea Salonga, ABS-CBN Orchestra at ang Ateneo Choir.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Yong Chavez mula Hollywood.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA