Umagang Kay Ganda

Tirso Cruz III, inspirado sa mga apektadong viewers dahil sa kanyang role sa ‘The General’s Daughter’

ABS-CBN.com May 24, 2019 10:01 AM


Sa maiinit na mga eksena sa The General’s Daughter, labis na ipinagpapasalamat ni Tirso Cruz III ang kanyang papel bilang Santiago Guerrero na kontrabida sa buhay ni Rhian Bonifacio na ginagampanan naman ni Angel Locsin.


Kwento ni Tirso, ramdam niya ang epekto ng kanyang masamang karakter sa reaksyon ng publiko sa kanya.


“Madalas, oo. Madaming nagagalit na mga followers ni Angel, pero hindi naman. I mean, mostly nakakatuwa sa kanya kung minsan sa mall halimbawa, minsan bigla-biglang may hahampas sa shoulder ko, ‘Ikaw napaka-salbahe mo’ tapos biglang, ‘pakuha ng picture.’ Sabi ko, ‘O ba’t ka papakuha sa akin eh salbahe ako? ‘Hindi, alam ko naman sa show mo lang ‘yun pero pakuhang picture.’ So basically, it really warms my heart na nakakaapekto ako sa kanila,” kwento ni Tirso.


At dahil madalas na nakakasama si Angel sa mga eksena, inilarawan din ni Tirso kung paano niya nakikita ang aktres sa bawat batuhan nila ng linya.


“Si Angel, nakakatakot. She morphs into something pagkapapasok na siya sa karakter kasi usually naman pagdating sa set, usually ako, minsan I go out of my way, pupunta ako sa tent niya I greet her. Minsan naaabutan ko ‘yan which is having a lunch with other crew or stuff, ‘pag dumating ako, babati ako. I mean she’s so lovable, she’s so sweet, she looks after everybody,” paglalarawan ni Tirso kay Angel.
Kung mabangis ang pagkatao ng karakter ni Angel, malayong malayo naman daw ito sa tunay niyang personalidad, “Pero pagka ‘yung trabaho na, talagang nag-iiba siya, nag-iiba ang pagkatao, ‘yung karakter niya, ‘yung pagkatao niya talagang makikita mo talaga. Right before your very eyes makikita mo siyang nagmo-morph siya into Rhian. Then after that, makita mo, biglang pag-turn, si Angel na naman.”


Ang mga eksena sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA