Umagang Kay Ganda

Zsa Zsa Padilla, inaming nakaranas ng pangba-bash dahil sa pagiging hurado sa ‘Tawag ng Tanghalan’

ABS-CBN.com May 24, 2019 09:59 AM


Isa si Divine Diva Zsazsa Padilla sa mga regular na hurados na napapanood araw-araw sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Aminado si Zsazsa na may mga pagkakataon na napupuna ng netizens ang kanyang mga komento lalo na sa mga contestants na hindi nakapasa sa kanyang panlasa.

“Hindi natin maaalis ‘yun kasi may pinupusuan silang mga contestant eh, ‘di ba? Pero siyempre kami, naka in-ear monitor pa kami, naririnig talaga namin ‘yun and technically because of our experience, we would know kung malinis ‘yung performance, kung madumi,” ani Zsazsa.

Nagbigay ng tips si Zsazsa sa mga sasali sa TNT na ilabas ang tunay na galing at huwag maging katulad ng iba, “Gusto namin talaga, lumabas ang tunay na boses, hindi ba? Pagkatapos gusto namin sobrang bugbog na ‘yung kanta, madalas gamitin sa contest, nasu-surprise kami ‘yung artist merong sariling take sa kanta.”

Trivia pa nung singer-actress na malaki ang kaibahan ng mga awitin noon sa mga awitin ngayon. Hindi malilimutan ni Zsazsa ang sumubok umawit ng isa sa kanyang hit songs na hindi nakapasa.

“Merong kumanta ng Hiram, if I’m not mistaken, na-gong mahirap kasi ‘yung tono no’n… how old songs were made medyo iba ang tono,” ani pa ng OPM icon.

Kasama si Zsazsa sa US tour ng “Diva 2 Diva” kasama sina Kuh Ledesma, Nanette Inventor, at Mitch Valdez.

Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA