Umagang Kay Ganda

Piolo Pascual at Shaina Magdayao, dumalo sa ‘Directors’ Fortnight’ Film Festival bilang kinatawan ng pelikula ni Lav Diaz

ABS-CBN.com May 24, 2019 09:57 AM


Nasa Cannes, France ngayon ang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao bilang kinatawan ng isang pelikulang Pilipino. Dumalo sila sa Directors’ Fortnight ng Cannes Film Festival.


Sina Piolo at Shaina ang representative ng pelikula ni Lav Diaz na “Ang Hupa” na nagkaroon ng world premiere noong Miyerkules (May 22).


Isa ang nasabing pelikula sa dalawampu’t apat na entries na napili na mapanood sa event.


Ang Directors’ Fortnight ay non-competitive film festival na bahagi naman ng Cannes Film Festival.


READ ON PUSH: Piolo Pascual, Shaina Magdayao pinangunahan ang world screening ng “Ang
Hupa” sa Cannes


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA