Umagang Kay Ganda

Shamcey Supsup and Lloyd Lee, ibinahagi ang kanilang ShrimpBab recipe

ABS-CBN.com February 12, 2019 07:55 AM


Umagang kay Sarap ang ipinatikim ni Winnie Cordero kasama sina Miss Universe 2011 3rd Runner Up Shamcey Supsup at asawang si Lloyd Lee! Itinuro nila kung paano lutuin ang Shrimpbab.


Ibinahagi ni Lloyd na nagmula ang pangalan ng kanyang nilutong recipe sa madalas na panonood ni Shamcey ng cartoons na “Spongebob Squarepants” kaya’t naisip niyang ipangalan sa pagkain ay shrimpbab ay pinagsamang shrimp o hipon at baboy.


Ibinunyag pa ng mag-asawa na mahilig sila sa spicy na pagkain at may impluwensiya ng mga pagkain ng South Korea ang kanilang mga niluluto.


Limang taon nang mag-asawa sina Lloyd at Shamcey at may dalawa na silang anak. Ibinahagi rin ni Shamcey ang kanyang karanasan sa kaniyang pagiging nanay.


Panoorin ang buong kwentuhan kasama sina Lloyd at Shamcey sa Umagang Kay Ganda.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA