Umagang Kay Ganda

KZ Tandingan, dinipensahan si Inigo Pascual sa basher

ABS-CBN.com February 12, 2019 07:40 AM


Sa isang post sa Instagram, binati ni KZ ang kaibigan sa kanyang guesting sa Dash Radio Los Angeles pero hindi nagpaawat ang ilang mga bashers nang pinuna ang buhok at istilo ni Iñigo.


Paano magiging successful ‘yang si Iñigo kung lagi lang siyang nasa comfort zone niya, ‘di siya nagi-improve. Artista siya, pero ‘di man lang nage-effort ayusin appearance, kung anu-anong pinaggagagawa sa buhok,” post ng isang basher.


Pagtatanggol ni KZ, hindi sa istilo ng buhok nakikita ang galing ng isang artist. Hindi rin daw dapat ikumpara si Iñigo sa iba.


His real fans (myself included) will always be supportive of whatever he decides to do, so long as he is happy. The reason why we love him is because his beauty isn’t based on how his hair looks, we love him because his beauty is skin deep,” depensa ni KZ.


Sinabi pa ni KZ na naniniwala siya sa galing ni Iñigo at sa Instagram story ni Iñigo, sinabi niya na blessed siya dahil andyan ang kanyang Ate KZ.


Read: KZ Tandingan defends Iñigo Pascual from basher


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA