Umagang Kay Ganda

Batikang artistang si Armida Siguion-Reyna, pumanaw na

ABS-CBN.com February 12, 2019 07:21 AM


Pumanaw na sa edad na 88 ang beteranang artista na si Armida Siguion-Reyna.


Ayon sa kanyang kapatid na si Irma Potenciano, komplikasyon sa kanser ang dahilan ng pagkamatay ni Armida.


Hindi malilimutan ang boses ni Armida na naging pamilyar sa maraming henerasyon ng manonood sa TV show niyang “Aawitan Kita” na tumagal ng higit tatlong dekada.


Itinaguyod niya ang kundiman at iba pang awiting Pinoy at nagsanay siya bilang opera singer kasama ang kapatid na si Potenciana.


Gumanap din siyang bida at kontrabida sa mga pelikulang “Hihintayin Kita Sa Langit” at ang kontrobersyal na “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin”.


Read: Veteran actress Armida Siguion-Reyna passes away


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA